Ang fansite na Girl’s Day Daily ay may gustong gawing espesyal at makabuluhan na bagay sa ikalawang anibersaryo ng Girls Day, at nais naming anyayahang tumulong ang mga DAI5Y sa lahat ng parte ng mundo. Ang proyektong ito ang bubuo sa DAI5Y bilang isang pamilya at ipapakita sa Girl’s Day na meron silang mga DAI5Y sa buong mundo na nagmamahal at sumusuporta sa kanila! Ang proyektong ito ay isasalin sa maraming wika para lahat ay makasali. marami tayong tigasalin na isasalin ito sa mga wikang Koreano, Hapon, Kastila, Italian, Thai, Tagalog at Indonesian. Inaanyayahan din namin ang iba pang Girl’s Day na fanbase na isalin din ito sa kanilang sariling wika. Ito’y isang pakikipagtulungan ng mga DAI5Y na siguradong magiging isang matagumpay na proyekto para sa Girl’s Day!
Unang Parte: Slideshow ng mga Larawan ng DAI5Y
Inaanyayahan namin ang lahat na magbigay ng larawan ng kanilang sarili na nagpapakita ng kanilang pagmamahal at suporta sa Girl’s Day. Maaring tignan ang modelo para sa Everyday Girl’s Day Slideshow. Plano naming magdagdag ng larawan araw-araw, at bibigyan ng mas mataas na prayoridad anf mga mauunang magpasa.
Paano sumali:
1. Kuhanan ng larawan ang sarili. Maaring magpasa ng hanggang 3 larawan.
(kung ayaw mong ipakita ang maganda mong mukha, maari mo itong takpan ng Girl’s Day CD, Poster, o Sulat na nagpapakita na mahal mo ang Girl’s Day, etc.)
2. Maari rin kayong magpasa ng Larawang pang grupo, ngunit kailangang meron din kayong larawan na nagiisa kayo.
3.Magpasa ng larawan sa pagbibigay ng link dito, o sa pag tweet sa @girlsdaydaily o i e-mail si achel [at] girlsdaydaily [dot] com (achel [at] girlsdaydaily [dot] com) Siguraduhing nakasaad ang Pangalan at Bansa.
Pwedeng gumamit ng kahit anong camera ma mayroon kayo, (digicam, cellphone, webcam, kodak etc.) basta ito ay malinow at hidi malabo. Maari kayong magpasa ng kahit anong larawang filetype/size at kami na ang magaayos ng mga larawan para magkasya sa slideshow na 180px x 180px.
Maaring magpasa hanggang: Hunyo 30. 2012
Ikalawang Parte: DAI5Y Video ng mga Mensahe
Iniimbitahan namin ang lahat na magpasa ng 15 segundong video na nagbibigay mensahe at pagbati sa Girl’s Day. Bubuuin namin lahat ng pinasa para makagawa ng isang Video message para sa Girl’s Day.
Paano sumali:
1. Ang video ay dapat nagsasaad ng pagbati sa Girl’s Day sa kanilang ikalawang anibersaryo. Ipakita ang pagmamahal at suporta mo sa kanila.
2. ang video at di dapat lalampas ng 15 segudo. kapag ito ay mas mahaba, tatabasin namin ito para umangkop sa ibinigay na oras.
3. ang mensahe ay pwedeng kahit anong wika, kami na ang bahalang magsalin para sa Girl’s Day.
4. Iupload ang video sa youtube at ibigay ng link dito, o sa pag tweet sa @girlsdaydaily o i e-mail si achel [at] girlsdaydaily [dot] com (achel [at] girlsdaydaily [dot] com) Siguraduhing nakasaad ang Pangalan at Bansa.
Maaring magpasa hanggang: Mayo 30, 2012
Kung may katanungan, maaring tanungin si achel o si T. (in english)
Salamat ng Marami!
GDD Team, katulad mong DAI5Y
2 thoughts on “[Project #005] ‘Everyday Girl’s Day’ WORLDWIDE DAI5Y Picture Slideshow & Message Video (Tagalog)”